Monday, June 17, 2013

ANAK ng PILIPINAS

Mayroon na bang Pilipinong kanta
na sumikat sa buong mundo?

Meron.

"Anak" ni Freddie Aguilar.

Ayon sa Wikipedia:
Freddie Aguilar's "Anak" not only broke the Philippine record charts in 1979, but it also hit the no. 1 spot in Japan and achieved considerable popularity in other countries such as Indonesia, Malaysia, Hong Kong, and parts of Western Europe.[5] The song has become so famous that, by some counts, it has been recorded in as many as a hundred versions in 23 languages throughout the world. [8] Billboard reported that the song was the number two world hit of the 1980s. As of 2006, it was unsurpassed as the highest-selling record of Philippine music history.[2]

Heto, pakinggan mo.
Bakit kaya napakaraming taong nagustuhan ang kantang ito?






NUNAL

Narinig sa mga kaklase ko dati...


Ano ang tawag mo sa maliit na nunal?
SMOLE.

E sa malaking nunal?
MEGAMOLE.

E sa mas malaking nunal?
MOLE of ASIA.


Paano kaya kami nakatagal nang ganito?

MAGALING MAGSAING

Sa Ingles, rice ang tawag.

Sa atin, kapag nakatanim, PALAY.
Kapag tinanggalan na ng IPA, BIGAS.
Kapag luto na, SINAING o KANIN.
Kapag niluto sa mantikang may bawang, SINANGAG.
Kapag dumikit sa ilalim ng lutuan, TUTONG.
Kapag natira at lumamig, BAHAW o KANING-LAMIG.
Kapag hinayaang mapanis, nagiging BURO.
Puwede kang bumili ng MALAGKIT, PULA, DINORADO, SINANDOMENG, MILAGROSA, NFA, atbp.

Kaya kapag sinabi sa iyong "Do you have any rice?"
kung Pilpino ka ang sagot mo ay: "Can you be more specific?
Ang daming puwedeng ibig sabihin n'un e."

Thursday, June 6, 2013

Awiting Makabayan

Bawat henerasyon, mayroong sarili.
Alin ang sa ngayon?

FLORANTE: Ako'y Isang Pinoy


HEBER BARTOLOME: Tayo'y Mga Pinoy


FRANCIS M: Mga Kababayan


BAMBOO: Noypi