I-highlight para makita.
PAGSASANAY#1
1. Alas kuwatro ng hapon ang uwian nila.
2. Aral siya nang aral kaya nakapasa sa Ensula.
3. Hamo, bibilhan kita ng maraming laruan sa bertdey mo.
4. Kapag bagyo, binubuksan ang mga bintana ng bahay kubo.
5. Luluwas ako ng Maynila kinabukasan.
6. Magbasa ka nang malaman mo ang kalagayan ng bansa.
7. Naghanda siya ng biskwit para sa bisita.
8. Nagsuot siya ng luma para ayos lang marumihan.
9. Natulala ako nang makita ko siya.
10. Tumalon siya nang mataas para maabot ang aratilis.
11. Wala nang bisita, ikaw na lang.
12. Sinabi ko nang tumahimik, maingay ka pa rin!
PAGSASANAY#2
1. Ang ayoko sa lahat ay 'yung dada nang dada.
2. Gusto kong makakuha ng mataas sa Ensula para sa mga magulang ko.
3. Hugasan mong agad ang sugat nang hindi maimpeksyon.
4. Mayroon nang ilaw, tapos na ang brownout.
5. Naglaan sila ng oras para puntahan si lolo.
6. Nahimatay siya nang mabalitaan ang nangyari.
7. Nakakita ako ng napakaraming bundok na kulay-tsokolate.
8. Nginuya niya nang mabagal ang paborito niyang durian.
9. Nobymbre ng taong 1991 nang magkakilala sila.
10. Sabi ng nanay ko guwapo raw ako.
11. Uuwi ako ng probinsya sa makalawa.
12. Alam ko nang mahal mo nga ako.
Sa #9 may diperensya sa pagsasanay at sa answer key,
ReplyDeleteJerks finger facing upward ( thumbs up).
Delete