Wednesday, September 18, 2013

pagsasanay sa NG/nang

Ikaw na ang bahalang magsulit sa sarili mo.

PAGSASANAY#1

1.  Alas kuwatro ___ hapon ang uwian nila.
2.  Aral siya ___ aral kaya nakapasa sa Ensula.
3.  Hamo, bibilhan kita ___ maraming laruan sa bertdey mo.
4.  Kapag bagyo, binubuksan ang mga bintana ___ bahay kubo.
5.  Luluwas ako ___ Maynila kinabukasan.
6.  Magbasa ka ___ malaman mo ang kalagayan ng bansa.
7.  Naghanda siya ___ biskwit para sa bisita.
8.  Nagsuot siya ___ luma para ayos lang marumihan.
9.  Natulala ako ___ makita ko siya.
10.  Tumalon siya ___ mataas para maabot ang aratilis.
11.  Wala ___ bisita, ikaw na lang.
12.  Sinabi ko ___ tumahimik, maingay ka pa rin!

PAGSASANAY#2

1.  Ang ayoko sa lahat ay 'yung dada ___ dada.
2.  Gusto kong makakuha ___ mataas sa Ensula para sa mga magulang ko.
3.  Hugasan mong agad ang sugat ___ hindi maimpeksyon.
4.  Mayroon ___ ilaw, tapos na ang brownout.
5.  Naglaan sila ___ oras para puntahan si lolo.
6.  Nahimatay siya ___ mabalitaan ang nangyari.
7.  Nakakita ako ___ napakaraming bundok na kulay-tsokolate.
8.  Nginuya niya ___ mabagal ang paborito niyang durian.
9.  Nobymbre ___ taong 1991 nang magkakilala sila.
10.  Sabi ___ nanay ko guwapo raw ako.
11.  Uuwi ako ___ probinsya sa makalawa.
12.  Alam ko ___ mahal mo nga ako.


1 comment: